Lumala ang Cybercrime cases, partikular ang Online scams, at lumalabas na mas mabigat pa itong problema ng bansa kaysa sa droga, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Sa report ng PNP, sinabi ni PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz na ang mga kaso ng pag-i-scam sa buong bansa ay namayagpag dahil mas maliit ang tsansa ng mga salarin na mahuli kumara sa mga sangkot sa illegal drugs.
Ginawa ni Cruz ang pahayag makaraang ipakita ng resource person at IT expert na inimbita ng PAOCC na si Mike Santos, kung paano naire-rehistro ng scammers ang mga SIM card na mayroong identity ng cartoon o anime characters, kaya dumami ang bilang ng pre-registered sims.
Upang matigil ito, iminungkahi ni Cruz sa mga telco na itigil ang online registration process para sa existing sim card owners at magpatupad ng mano-mano o face-to-face na proseso para sa mga bagong owner ng SIM. —sa panulat ni Lea Soriano