Inatasan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isa nitong unit na mag-focus sa paglaban sa cyber-attacks at misinformation.
Ang pagpapalakas sa cyber defense ng bansa ay kabilang sa tututukan ng civil relations service ng militar at ng bagong tatag na AFP Cyber Security Group.
Ayon sa bagong tagapagsalita ng AFP na si Lt. Colonel Francel Margareth Padilla, ang kanilang tungkulin ay tiyakin ang seguridad ng mga mamamayan at estado, pati na ang cyber domain.
Matatandaang noong nakaraang taon ay iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang nabiktima ng cyber-attacks.—sa panulat ni Lea Soriano-Rivera