dzme1530.ph

CWC, binabantayan ang pinangangambahang pagpasok sa bansa ng AI generated child sexual abuse!

Binabantayan ng Council for the Welfare of Children ang posibleng pagpasok sa bansa ng child sexual abuse sa pamamagitan ng artifical intelligence.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni CWC Executive Director Undersecretary Angelo Tapales na ginagamit ng masasamang-loob ang AI generating image editing tools upang lumikha ng child sexual abuse at exploitation materials na binebenta sa dark web.

Sinabi rin ni Tapales na batay sa pag-aaral ng ibang bansa, lumalabas na parang totoo talaga ang AI images.

Gayunman, kinumpirma ng CWC na batay sa datos ng PNP Women and Children Protection Center, wala pang naitatalang kaso ng AI child sexual abuse sa bansa.

pinag-iingat na ng CWC ang publiko sa AI sexual exploitation kasabay ng paghikayat sa mga mabi-biktima nito na tumawag sa makabata helpline 1-3-8-3. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author