Inamin ng Communist Party of the Philippines (CPP) na nakaranas ng mga problema ang kanilang armed wing na New People’s Army (NPA) sa mga nakalipas na taon.
Gayunman, iginiit ni CPP spokesperson Marco Valbuena na malayo pang matalo ang NPA, taliwas aniya sa ipinagmamalaki ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala nang active guerilla fronts ang Maoist armed group.
Idinagdag ni Valbuena na sa ilalim ng gabay ng CPP, natuto na ng leksyon ang npa at determinado silang tapatan ang mga opensiba ng AFP.
Inihayag din CPP Spokesman na nananaginip si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang ibida nitong wala nang aktibong guerilla fronts sa bansa. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera