dzme1530.ph

COVID-19 restrictions sa SoKor, aalisin na

Tutuldukan na ng Pangulo ng South Korea ang halos lahat ng COVID-19 restrictions sa kanilang bansa.

Ayon kay South Korean Pres. Yoon Suk Yeol, simula June 1 ay tatanggalin na ang mandato ng pagsusuot ng face mask sa indoor places maliban sa mga ospital.

Aalisin na rin aniya ang RT-PCR Test requirement sa mga dayuhang papasok sa kanilang bansa.

Ang naturang anunsyo ay ginawa ng South Korean Leader ilang araw matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) ang pagtanggal sa COVID-19 bilang isang global health emergency.

About The Author