Patuloy na tumataas ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila ayon sa OCTA Research Group.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, mula 10.2% pumalo ang positivity rate ng rehiyon sa 17.2% nitong Abril 29.
Sa datos na inilabas ng Dept. of Health, nitong Abril 30, nakapagtala ang bansa ng 1,263 na bagong kaso ng COVID-19 at 536 dito ay mula sa NCR.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga isinailalim sa pagsusuri.
Una nang sinabi ni David na inaasahang tataas pa sa 20% ang bilang nang covid positive patients sa NCR sa mga susunod na linggo.