Tumaas ang bilang ng mga ina-admit na kaso ng COVID-19 sa mga pribadong ospital sa nakalipas na tatlong araw, ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines.
Sinabi ni PHAPi president Rene de Grano na kung dati ay nasa 20% ang utilization rate ng COVID-19 space sa mga ospital, ngayon ay lagpas na ito sa 20% hanggang 50%, depende sa COVID-19 beds na inilaan ng pagamutan.
Aniya, karamihan sa mga COVID-19 cases na ina-admit sa mga ospital ay bunsod ng iba pang sakit.
Kabilang aniya sa mga private hospital na tumaas ang COVID-19 admissions ay matatagpuan sa National Capital Region, CALABARZON, Western Visayas, at Davao Region.
Ipinaalala rin ni de Grano sa publiko na ligtas pa ring magtungo sa mga ospital dahil ang kanilang COVID-19 facilities ay isolated at mahigpit na ipinatutupad ang health protocols. —sa panulat ni Lea Soriano