dzme1530.ph

COVID-19 cases sa evacuation centers sa Albay, umakyat na sa 4

Nakapagtala ang Albay Provincial Health Office ng panibagong kaso ng Covid-19 sa isang evacuation center, dahilan para umakyat na sa apat ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa mga biktima ng pag-a-alboroto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Jan Edmund Dominic Bailon, Albay Provincial Epidemiology and Surveillance Unit Chief, ang ika-apat na kumpirmadong kaso ay isang 51-anyos na babaeng evacuee sa San Jose National High School sa Malilipot.

Ang tatlong iba pa aniya ay mga evacuee mula sa Gabawan Elementary School sa bayan ng Daraga.

Sinabi ni Bailon na ang pinakabagong kaso na nakararanas ng sore throat ay naka-isolate na.

Nakapagsagawa na rin ang provincial health office ng RT-PCR test sa dalawampu’t tatlong close contacts ng pinakabagong pasyente. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author