Tatanggap ng P5,000 gratuity pay ang Contract of Service at Job Order workers sa gobyerno.
Sa Administrative order no. 13, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang one-time gratuity pay para sa JO at COS employees na nakapag-render na ng apat na buwang serbisyo o higit pa.
Saklaw nito ang mga nasa National Gov’t agencies, State Universities and Colleges, Gov’t-owned or -Controlled Corp., at local water districts.
Samantala, mas mababa naman ang gratuity pay para sa mga wala pa sa apat na buwan sa serbisyo, kabilang ang hanggang P4,000 para sa 3-months service, P3,000 sa 2 months service, at P2,000 sa mga wala pa sa dalawang buwan sa trabaho.
Ang gratuity pay at gayundin ang service recognition incentive ay ilalabas na sa mga kuwalipikadong gov’t employee simula sa Dec. 15. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News