dzme1530.ph

Contest kaugnay sa Brigada Eskwela, inalis na ng DepEd

Inalis na ng Dept. of Education ang taunang Brigada Eskwela upang maiwasan ng mga guro na mag-solicit para sa Clean-Up activity.

Ito ang inihayag ni DepEd Spokesman Undersecretary Michael Poa na bagama’t ipagpapatuloy ng ahensya ang pagbibigay-kilala sa mga partner nito, hindi muna sila magbibigay ng parangal sa mga paaralan at guro.

Paliwanag ng opisyal, bawal na ang solicitation, at magiging boluntaryo na lamang ang Bayanihan at Brigada Eskwela dahil nakikita ng kagawaran na ang paggawad ng Hall of Fame Award o Best Implementer Award ay nagiging sanhi kung bakit may pressure na mag-solicit ang mga guro.

Una nang sinabi ng DepEd na nakatanggap ito ng mahigit P40-M halaga ng donasyon mula sa mga partner na pampublikong paaralan sa buong bansa at halos P2-M halaga ng donasyon mula sa Tarlac National School.

Samantala, layunin ng Brigada Eskwela na maihanda ang 47,678 public schools nationwide sa muling pagbubukas ng klase sa Aug. 29. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author