dzme1530.ph

‘Constitutional crisis’ posible kung magkakaroon ng pagbabago sa prangkisa ng mga power distributor

Ibinabala ng legal counsel ng Northern Davao Electric Cooperative (NORDECO) ang posibleng pagkakaroon ng krisis sa konstitusyon kung papasa sa Kamara ang apat na panukala na a-amyenda sa prangkisa ng mga electricity distributors sa Mindanao.

Pinagdebatehan ng mga kongresista ang House Bill no. 5077, 6740, 6995, at 7047, mga naglalayong palawigin pa ang prangkisa ng Davao Light and Power Company, Inc. (Davao Light), sa maaaring paglabag nito sa konstitusyon at sa EPIRA (r.a 9136).

Ayon kay Atty. Jeorge Rapista, Legal Counsel ng NORDECO, hindi pinapahintulot ng konstitusyon ang pagpasa ng mga batas na magpapahina or makakapinsala sa mga kontrata.

Nabatid na kung papasa ang mga panukala, mababago nito ang mga prangkisang kasalukuyang ipinatutupad ng mga distributor sa lalawigan tulad ng NORDECO na kasalukuyang sineserbisyuhan ang mga munisipalidad at lungsod na bibabalak ilipat sa Davao Light.

Noong 2022, ivineto ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang naunang bersyon ng panukala, dahil sa “apparent overlap at posibleng paglabag sa kasalukuyang mga prangkisa, permit, at kasunduan na hawak ng NORDECO,” at tinawag itong “collareral attack” sa kooperatiba.

About The Author