dzme1530.ph

Consolidated bills para isaayos ang mental health services, aprub sa House Committee on Health

Lusot na sa House Committee on Health ang consolidated bills para isaayos ang mental health services sa bansa.

Sa House Bill 429 ni Madaluyong City Rep. Neptali Boyet Gonzales II, isinusulong nito na magkaroon ng mental health center sa bawat lalawigan at rehiyon; mental health consultation desk at hotlines; mas komprehensibong Philhealth coverage sa mental health disorder, at programa para maiwasan ang suicide sa hanay ng kabataan.

Sa paliwanag ni Gonzales, ang mental health illness ay laganap sa lahat ng age groups, pero masyadong limitado ang suporta at interventions ng pamahalaan.

Sa datos ng WHO, 10% ng “children and adolescent” ay nakararanas ng mental disorder ngunit karamihan sa kanila ay hindi humihingi ng tulong o hindi nabibigyan ng atensyon.

Lumitaw din na ika-apat ang suicide sa edad 15-19 sa sanhi ng kamatayan, habang sa Pilipinas ayon sa NSO ang mental health illness ay ikatlo sa “most common form of morbidity.”

Lumitaw din na 5 lamang sa ospital ng gobyerno ang may psychiatric facilities para sa kabataan, 84 general hospitals ang my psychiatric unit, habang 60 lang ang child psychiatrist ang nagpa-practice na ang karamihan pa ay nasa urban areas o Maynilaan.

About The Author