dzme1530.ph

Congestion rate sa mga pasilidad ng BJMP, bumaba sa mahigit 300% mula 600%

Bumaba sa 367% mula sa 600% ang congestion rate sa mga piitan ng Bureau of Jail Management and Penology.

Ayon kay BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera, nasa 126,000 Persons Deprived of Liberty ang kasalukuyang nagsisiksikan sa 478 jail facilities sa buong bansa.

Gayunman, binigyang diin ni Bustinera na ang 367 congestion rate ay malaking pagbaba mula sa 600% na naitala noong 2008 sa kasagsagan ng kampanya ng Duterte Administration laban sa iligal na droga.

Upang matugunan naman ang isyu sa pagsisiksikan ng mga preso, sinabi ng BJMP official na nagsasagawa sila ng mga pagkukumpuni at nagtatayo ng mas malalaking kulungan.

Idinagdag din nito na mahalaga ang suporta ng local government units (LGUs) upang makapagtayo ng mga bagong pasilidad ang BJMP.

About The Author