dzme1530.ph

Cong. Edcel Lagman, masaya sa tagumpay ng Absolute Divorce Bill sa kamara

Walang pagsidlan ng kasiyahan si Albay Congressman Edcel Lagman na siyang Principal Author ng House Bill No. 9349 o ang Divorce Bill matapos na pumasa sa 3rd and final reading ang isa sa pet bill nito.

Sa manifestation ni Lagman, una nitong pinasalamatan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez
sa pagpayag nitong pairalin ang ‘conscience vote’ sa hanay ng mga kongresista.

Para kay Lagman ang collective conscience ng 126 House members ay nagsalita na at ito ay isabatas ang Absolute Divorse bill.

Pinasalamatan din nito si House Majority Flor Leader Manuel “Mannix” Dalipe, Jr. sa pagtupad nito sa pangakong isasalang sa botohan ang House Bill No. 9349 bago ang sine die adjournment ng kamara.

Maging ang iba’t ibang grupo at organisasyon na hindi aniya bumitaw sa kanilang ipinaglalaban ay pinasalamatan din nito kasama ang 80 other legislators na co-author ng panukala.

Ayon kay Lagman, hindi pa tapos ang laban dahil bukas na bukas aniya ay sisimulan nila ang pangangampanya sa Senado para sa approval din ng counterpart measure.

About The Author