dzme1530.ph

Cong. Arnolfo Teves Jr., posibleng nasa Cambodia pa —DOJ Sec.

Posibleng nasa Cambodia pa si Suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Tugon ito ni Justice secretary Jesus Crispin Remulla sa isang ambush interview nang tanungin kung batid ng mga otoridad ang kasalukuyang kinaroroonan ng suspendidong kongresista na itinuturong utak sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Samantala, isiniwalat ni Remulla na nakipagpulong siya sa kapatid ng mambabatas na si dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves bago mag-semana santa.

Sinabi ng kalihim na sinisikap ng nakababatang Teves na linisin ang kanyang pangalan, kasabay ng pag-giit na wala siyang kinalaman sa naturang insidente.

Nagsumite rin ang dating gobernador ng counter-affidavit sa illegal possession of firearms, ammunition, and explosives na isinampa laban sa kanya ng Department of Justice.

About The Author