dzme1530.ph

Cong. Arnolfo Teves Jr., may Interpol notice na

Naka-alerto na ang INTERPOL sa ibat-ibang bansa laban kay suspended Cong. Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay Justice Sec. Crispin Remulla, nasa blue notice na ng INTERPOL si Teves kung kaya’t mabilis na napag-bigay alam ng Timor Leste sa Pilipinas ang presensiya ng kongresista sa kanilang bansa at ang paghiling nito ng political asylum.

Ang pagkakalagay aniya sa INTERPOL notice ng pangalan ni Cong. Arnie Teves ay makapagpapadali sa mabilisang pagkatunton sa kinaroroonan nito sa tulong ng International Police Organization.

Samantala, pinag-aaralan na ng National Bureau of Investigation (NBI) na ipakansela sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte ng kongresista.

About The Author