dzme1530.ph

Cong. Arnie Teves, uuwi na —Remulla

Posibleng bumalik na sa bansa ngayong Miyerkules si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla.

Sa media briefing, sinabi ni Remulla na ang impormasyon ay mula sa kanyang “reliable source” na may access sa flight data ng mga papasok at palabas ng bansa.

Gayunman, inihayag ng kalihim na hindi pa malinaw ang bansang panggagalingan ni Teves, subalit posibleng sa Timor Leste ito kung saan humiling ang kongresista ng political asylum na hindi pinagbigyan.

Idinagdag ni Remulla na naka-alerto na ang Philippine National Police para tiyakin ang kaligtasan ng mambabatas pagdating nito sa bansa na aniya ay “well and good” dahil nangangahulugan ito na uusad na ang mga kaso laban sa mambabatas.

Nauna nang tumangging umuwi ng bansa si Teves dahil sa pangamba sa kanyang seguridad.

About The Author