dzme1530.ph

Cong. Arnie Teves Jr., sinabing mayroong intercept order ang BI laban sa kanya

Inihayag ni Suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na mayroong intercept order ang Bureau of Immigration laban sa kanya sa oras na makatuntong sa Pilipinas.

Sa video ng mambabatas sa kaniyang Facebook page, sinabi nito na lumabas ang utos bago paman magsampa ng mga kaso laban sa kaniya.

Halata aniya na ito ay political persecution at pang-aabuso sa kaniyang karapatang pantao.

Giit ni Teves, ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang umuwi ng bansa.

About The Author