dzme1530.ph

Cong. Arnie Teves, 3-5 alagad nito, pinag-aaralang i-designate bilang mga terorista

Inanunsyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinag-aaralan din ng kanyang ahensya na i-designate bilang mga terorista ang tatlo hanggang sa limang personalidad na posibleng nagta-trabaho kay suspended Negros Oriental Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr..

Sa ambush interview, sinabi ni Remulla na kabilang dito si Marvin Miranda na isa sa umano’y masterminds sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon sa kalihim, magkakaroon sila ng pulong kasama ang Anti-Terror Council sa mga susunod na araw at pag-uusapan nila ang pag-designate kay Teves bilang terorista at ilan sa mga taong nagta-trabaho para sa suspendidong kongresista.

Idinagdag ni Remulla na hindi government officials ang lima subalit “very pivotal” aniya ang papel ng mga ito sa pagpatay kay Degamo at sa walong iba pa noong March 4.

About The Author