dzme1530.ph

Cong. Arjo, sumunod sa tradisyon ng pamamanhikan sa fiancee na si Maine Mendoza

Sumunod sa tradisyon at pormal na namanhikan ang pamilya ni Arjo Atayde sa pamilya ng fiancee niyang si Maine Mendoza.

Sa Instragram post ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez, ibinahagi nito ang video ng pagdating ng kanilang pamilya sa bahay nina Maine sa Sta. Maria, Bulacan.

Nag-upload din ang beteranang aktres ng mga litrato sa naganap na pamamanhikan.

Bukod kay Sylvia, present din ang asawa niyang si Art Atayde, at mga kapatid ni Arjo na sina Ria, Gela, at Xavi.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang anunsyo na manggagaling kina Maine at Arjo kung kailan at saan sila ikakasal. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author