Sumali na rin si Davao del Norte 1st District Cong. Pantaleon Alvarez sa mga nagnanais na i-realign sa ibang tanggapan ang confidential funds ng Office of the Vice President.
Paliwanag ni Alvarez, sang-ayon sya na magkaroon ng condifential fund sa mga sensitibong tanggapan na may sensitibong trabaho, kaya mas makakabuti kung ililipat na lamang ang buong alokasyon sa tanggapan ng National Security Council (NSC).
Hirit pa nito, kataka-taka na P120-M lamang ang confidential fund ng NSC sa 2024, habang ang OVP na isang ‘civilian office’ ay binigyan ng P500-M.
Aniya, ang ganitong pondo ay ginagamit sa critical security issue, at NSC ang may mandato at kaalaman para sa epektibong pangangasiwa.
Paliwanag pa ni Alvarez, mismong si Vice President Sara Duterte na ang nagsabi na ang confidential funds ngayong 2023 ay ginamit sa mga programa na hindi kunektado sa usaping pang siguridad gaya ng Libreng Sakay Program, tree planting activities at iba pa.
Malinaw umano na hindi misyon ng OVP at Department of Education na wakasan ang problema ng kumunismo sa Pilipinas. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News