dzme1530.ph

Concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, hindi panonoorin ni Kiko Pangilinan

Nagpauna na si Mega Star Sharon Cuneta na hindi manonood ang kanyang mister na si Kiko Pangilinan ng kanyang concert na kasama ang ex-husband na si Gabby Concepcion.

Sinabi ni Sharon na napagpasyahan ng kanilang pamilya na huwag nang manood ang kanyang asawa pati na ang kanilang mga anak.

Ipinaliwanag ng Mega Star na ayaw niyang masaktan ang kanyang pamilya at ayaw din naman niyang mailang sila ni Gabby habang nagpe-perform sa stage.

Nilinaw ni Sharon na bagaman hindi dadalo si Kiko ay wala namang problema rito ang pagsasama at pagbabalik-tambalan nila ni Gabby sa concert scene. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author