Umaasa ang Comelec na maku-kumpleto ang kanilang kinakailangang budget bago ang May 2025 elections.
Ito’y makaraang ibaba sa P27.10-B mula sa P43.71-B ang panukalang pondo ng poll body para sa susunod na taon.
Sa ilalim ito ng proposed P5.678-T 2024 National Expenditure Program na isinumite ng Department of Budget and Management sa Kamara noong Miyerkules.
Ipinaliwanag ni COMELEC Spokesman Rex Laudiangco na bagaman hindi mako-cover ng 2024 budget ang total budgetary requirement para sa May 2025 National and Local Elections ay magagamit nila ang iba rito para sa paghahanda sa susunod na halalan. —sa panulat ni Lea Soriano