Tinatayang aabot sa 70% hanggang 75% ang bilang ng mga boboto para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong araw, mas mataas kumpara sa 71% na naitala noong 2018.
Ayon kay Poll Chairman George Garcia, maituturing na “jackpot” ng ahensya kung makakakuha ng 75% voter turnout mula sa 92 million registered voters.
Kaugnay nito, ikinalugod ng Comelec Chief ang matagumpay na early voting sa pilot areas kabilang ang Muntinlupa at Naga City, na nilahukan ng mga nakatatanda o senior citizens, persons with disabilities, at mga buntis.
Nabatid na isinusulong ng ahensya ang early voting law sa 2025 kung saan papayagan ang vulnerable sector na makaboto isang linggo bago ang mismong araw ng halalan. —sa panulat ni Airiam Sancho