Pinag-aaralan ng Commission on Elections (COMELEC) en banc ang mga polisya ng bagong teknolohiyang gagamitin para sa mga susunod na eleksyon.
Ayon kay COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, kabilang sa mga ikinukunsidera ng ahensya ang kalidad, moderno, at bisa ng teknolohiya na magmumula sa ibang bansa.
Aniya, pagsasama-samahin ito bilang tems o reference na siyang gagamitin upang makapag-public bidding ng bagong election system.
Matatandaang sinuportahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naganap na National Election Summit ng COMELEC noong nakaraang linggo ang paggamit ng makabagong teknolohiya upang maipatupad ang mga positibong reporma, mapabilis ang transmission ng election result at matiyak ang accuracy nito.