dzme1530.ph

COMELEC, nakahanda na para sa ‘operation baklas’

Malapit nang simulan ng Commission on Elections ang “Operation Baklas” o pagtanggal ng mga iligal na campaign materials para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30.

Ito ang inihayag ni COMELEC Chairman George Garcia na uumpisahan nila ang hakbang oras na matapos ang proseso ng lahat ng Certificates of Candidacy.

Kabilang din aniya ang social media posts na nagpo-promote sa kandidato bago ang pagsisimula ng campaign period, na itinuturing paglabag sa election rules.

Nabatid na aarangkada sa Okt. 19 hanggang 28 ang opisyal na pangangampanya ng mga tatakbo sa Barangay at SK Elections. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author