dzme1530.ph

COMELEC, nagbabala laban sa premature campaigning para sa BSK election

Nagbabala ang Commission on Elections sa mga kakandidato para nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Okt. 30 na iwasan ang premature campaigning.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, may parusa na 1 hanggang 6 na taong pagkakakulong at diskwalipikasyon ang sinumang magsasagawa ng maagang pangangampanya.

Itinuturing aniya ng ahensya bilang premature campaigning ang pamimigay ng ayuda na wala namang ayudang dapat ipamigay at hindi naman regular na ginagawa.

Nabatid na sa Aug. 28 hanggang Set. 2 magsisimula ang opisyal na paghahain ng Certificates of Candidacy, at ang Campaign period naman ay mula Oktubre 19 hanggang 28. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author