Ipo-proklama ng Comelec ngayong Martes ang lahat ng nanalong kandidato sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hindi na puwedeng patagalin o ipagpaliban pa ang prokalamasyon ng winning candidates.
Ginawa ni Garcia ang pahayag makaraang 92.7% ng BSKE winners sa 42,001 barangays o katumbas ng 38,937 barangays ay naiproklama na ang mga nanalong kandidato.
Inihayag din ng poll chief na 98.21% ng mga boto sa 42,001 barangays o 41,429 ang nakumpleto na ang canvassing, at hindi lang maisagawa ang proklamasyon dahil may mga kandidatong nag-tie sa bilangan. —sa panulat ni Lea Soriano