Inilatag na ng Commission on Election ang mga aktibidad nito para sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Oktubre.
Mula August 28 hanggang November 29, ipapatupad ng Komisyon ang Gun Ban o pagbabawal sa pagdadala ng baril, pagsuspinde sa permit to carry at iba pang kahalintulad nito.
August 28 hanggang September 2 ang itinakda para sa paghahain ng kandidatura ng mga nagnanais lumaban bilang Kapitan, Kagawad, SK Chairman at SK Kagawad.
Mula September 3 hanggang October 18 ay ipinagbabawal ang anumang uri ng gawain na may kinalaman sa pangangampanya.
Magsisimula ang campaign period ng October 19 hanggang October 28 habang bawal na ang kampanya at liquor ban sa Cotober 29 at October 30.
Sa October 30, araw ng eleksyon, mula alas 7 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon itinakda ang pag boto.
Sa November 29 ang huling araw ng pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenses para sa mga nanalo at natalong kandidato. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News