Itinanggi ng Comelec na para sa plebisito sa Charter change (Chacha) ang P12 billion na additional funding na inilaan sa Komisyon sa ilalim ng 2024 national budget.
Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia, na nang ibinigay sa kanila ang pondo ay wala naman ang alingasngas tungkol sa People’s Initiative.
Binigyang diin ni Garcia na sinikap lamang nilang maibalik ang P17.4 billion na tinanggal sa kanila sa national budget, subalit P12 million lang ang naaprubahan.
Noong Martes ay kinumpirma ng Comelec chief na humirit ang poll body ng ibalik ang tinapyas sa kanilang pondo para sa pagsasagawa at pangangasiwa sa mga eleksyon, referenda, recall votes, at plebesito. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera