dzme1530.ph

COMELEC, hindi maaaring magpatupad ng snap election hangga’t walang batas

Loading

Hindi maaaring magpatupad ang Commission on Elections (COMELEC) ng snap elections nang walang batas na nag-aatas na isagawa ito.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, kinakailangang may mandato dahil ang tungkulin ng poll body ay tagapagpatupad lamang ng mga umiiral na batas sa halalan.

Sa kasalukuyan, walang constitutional o legal framework para sa pagsasagawa ng snap elections sa ilalim ng 1987 Constitution.

Dagdag ni Garcia, mas mabilis ang ganitong uri ng halalan sa parliamentary government, kung saan kapag idineklara ang loss of confidence sa gobyerno, agad nagkakaroon ng eleksyon para makapagpalit ng mga pinuno.

Nitong weekend, pinalutang ni Sen. Alan Peter Cayetano ang posibilidad ng snap election para sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga senador, at kongresista, kung saan walang incumbent ang papayagang tumakbo para sa isang election cycle, dahil umano sa kawalan ng tiwala ng publiko sa pamahalaan.

About The Author