Bumuo si Comelec Chairman George Garcia ng fact-finding task force para mag-review ng lahat ng kontrata at humanap ng mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa pagbili ng Automated Election System (AES) Machines noong 2016.
Ginawa ni Garcia ang pahayag sa gitna ng reports na nahaharap si dating Comelec Chairman Andy Bautista sa kasong Money Laundering sa Estados Unidos bunsod ng umano’y pagtatangka na ilipat ang $4 million mula sa apat na executive’s ng Smartmatic subsidiaries.
Sinabi ni Garcia na nais din nila na malaman ang ugat ng lahat at kung totoo ba ang mga akusasyon laban sa dating pinuno ng poll body.
Idinagdag ng Comelec Chief na bagaman hindi pa dinidinig ang mga kasong isinampa laban kay Bautista, ang pagbuo niya ng task force ay bilang paghahanda aniya sa posibleng developments ng usapin. —sa panulat ni Lea Soriano