dzme1530.ph

Coast Guard, tutulong sa pagmamando ng trapiko ngayong holiday rush

Ide-deploy sa lansangan ng Metro Manila ang mahigit 200 kawani mula sa Philippine Coast Guard, na tutulong upang magmando sa trapiko.

Ito ay base sa hiling ng Department of Trasportation (DOTr) Inter-Agency Special Action and Intelligence Committee for Transportation ng dagdag pwersa mula sa inaasahang dagsa ng mga pasahero.

Tutulong din ang Coast Guard sa seguridad ng mga airport, bus, at sea terminal ngayong holiday season.

Ayon sa DOTr, ang dagdag tauhan mula sa Coast Guard ay makatutulong sa seguridad at assistance sa mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

About The Author