dzme1530.ph

Coach ng Italy, pinuri ang Gilas Pilipinas sa ipinakitang magandang laro sa group stage ng World Cup

Kinilala ng head coach ng Italy na si Gianmarco Pozzecco ang husay ng Gilas Pilipinas, kagabi, sa kanilang final game sa group stage ng FIBA World Cup 2023.

Pinayuko ng Italians ang Gilas sa score na 90-83 dahilan para maka-abante ito sa second round.

Sa kabila nito ay sinabi ng Italian coach na karapat-dapat na kilalanin ang efforts ng Filipino players sa buong group stage ng tournament.

Aniya, bagaman natalo sa tatlong laro ang Gilas ay inilaban nila ito, kaya dapat lang na maging proud sila.

Pinuri rin nito si Jordan Clarkson sa ipinakita nitong buong pusong paglalaro para sa koponan ng Pilipinas. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author