Dinakip ng nga operatiba ng MPD ang isang Chinese national sa kanilang isinagawang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation matapos itong isumbong ng kanyang ka nobya dahil sa panunutok ng baril.
Kinilala ang mga dinakip na Chinese National na si – LIU QI, 30 taong gulang, residente ng Hotel Ava, Adriatico Street, Malate, Manila.
Kinilala ang nagrereklamo si Hoang Thi Plien, isang Vietnamese National, 24-taong gulang at residente ng Bay View Garden Homes, Pasay City.
Isinagawa ang pagdakip sa Roxas Boulevard Service Road, sa tabi ng Aristocrat Restaurant, Malate, Maynila.
Batay sa Imbestigasyon dinakip ang nasabing indibiduwal matapos humingi ng saklolo ang biktima sa nagpapatrolyang kapulisan ng Malate Police Station 5 dahil sa nasabing reklamo.
Sakay ng Volvo na kotse ang inaresto ng abutan ito ng pulis kung saan nakuha sa sasakyan ang mga ebidensiya
3 pirasong maliliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, 1 unit pistol airsoft at 1 unit na Shotgun na may anim na bala – Cash Money na P201, 200.00 at iba pang kagamitan.
Reklamong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), kaugnay ng Omnibus Election Code at R.A 9165 Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A. 9262. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News