dzme1530.ph

Chinese national, arestado matapos manutok ng baril sa mga pulis sa inilatag na checkpoint sa Parañaque

Kalaboso ang isang Chinese national matapos tutukan ng baril ang mga pulis na naglatag ng checkpoint sa kahabaan ng Bradco Ave., Brgy. Tambo, Parañaque City.

Sa report ng Southern Police District, isang Volkswagen Sedan ang pinara para sa checkpoint at security check ng mga tauhan ng Tambo Police Sub-Station na minamaneho ng suspek na si Hao Lu.

Nagsisigaw umano ang Chinese at itinutok ang dalang .45 kalibre ng baril sa mga pulis dahilan para siya arestuhin.

Sa pag-verify, bigo rin ang suspek na maipakita ang kanyang driver’s license at iba pang kaukulang dokumento bilang patunay ng pagmamay-ari ng kanyang minamanehong sasakyan.

Huli na rin nang malaman ng mga pulis na replika lang ang dala-dalang baril ng nasabing dayuhan.

Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng naturang suspek. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author