Hinimok ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na pauwiin na si Chinese Ambassador Huang Xilian.
Kasunod ito panibagong pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Zubiri na wala nang ginagawa ang ambassador upang resolbahin ang patuloy na pag-atake ng kanilang gobyerno sa tropa ng Pilipinas.
Sinabi ni Zubiri na sa pag-atake sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagbibigay ng suplay sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc ay hindi lamang nagdulot ng pinsala sa ari-arian kundi naglagay sa panganib sa buhay ng mga Pinoy.
Ipinaalala ng senate leader na isang humanitarian mission ang inatake ng China na pagpapakita ng kawalan nila ng puso.
Pinuri naman ni Zubiri ang mga tauhan ng BFAR, Coast Guard at Navy sa patuloy na pagsisimap na protektahan ang ating teritoryo. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News