dzme1530.ph

China, tinawag na “professional and restrained” ang maritime clash sa Philippine vessels

Tinawag ng China na “professional and restrained” ang pambobomba ng tubig ng kanilang coast guard sa mga sasakyan ng Pilipinas sa South China Sea.

Iginiit ng tagapasalita ng Chinese Foreign Ministry na legal na pinigilan ng Chinese Coast Guard Ship ang dalawang Philippine vessels.

Nangyari ang insidente noong Sabado habang ini-eskortan ng Philippine Coast Guard ang dalawang bangka na kargang pagkain, tubig, fuel, at iba pang supply para sa mga sundalong naka-destino sa Ayungin Shoal o Second Thomas Shoal sa Spratly Islands. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author