16 na Chinese warships ang naispatan sa mga katubigan sa paligid ng Taiwan sa loob ng 24-oras, batay sa ulat ng Defense Ministry ng isla.
Ipinagpapalagay naman ito ng mga Analyst bilang pinakabagong senyales ng intimidation campaign ng Ruling Communist Party ng China laban sa Taipei.
Sinabi ng mga Analyst na ang intensive exercises kamakailan ay pagpapakita ng kapabilidad ng China na kaya nitong palibutan ang isla ng Taiwan.
Ang aktibidad ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) na tumagal ng 24-oras noong Biyernes hanggang Sabado ay kasunod ng exercises kung saan dose-dosenang Chinese warplanes ang pinalipad sa median line ng Taiwan Strait at sa mahahalagang rehiyon ng Air Defense Identification Zone ng Taiwan. —sa panulat ni Lea Soriano