dzme1530.ph

China, naglagay ng floating barrier para hindi makapasok ang mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal —PCG

Inanunsyo ng Philippine Coast Guard na naglagay ang Chinese Coast Guard ng floating barrier sa bahagi ng Bajo de Masinloc na tinatawag ding Scarborough Shoal para pigilan ang mga Pilipinong mangingisda na pumasok sa traditional fishing ground sa West Philippine Sea.

Ayon sa PCG, nadiskubre ng Coast Guard at fisheries personnel na lulan ng BRP Datu Bankaw habang nagpa-patrolya, ang barrier na may habang tatlundaang metro.

Inihayag din ng coast guard na namahagi ang BRP Datu Bankaw ng grocery items at fuel subsidies sa may 50 filipino fishing boats sa lugar.

Gayunman, nakatagpo nila ang isang chinese coast guard vessel na nag-anunsyo ng 15 radio challenges upang itaboy ang BFAR vessel.

Subalit nang mapansin ng Chinese Coast Guard na mayroong media personnel na nakasakay sa bfar vessel ay naglagay ito ng distansya saka lumayo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author