dzme1530.ph

China, may sagot sa panawagan ng Pilipinas at America na respetuhin ang 2016 arbitral ruling sa WPS

Sinalag ng China ang panawagan sa kanila ng Amerika at Pilipinas na igalang ang 2016 arbitral ruling na kumikilala sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito’y kasunod ng isinagawang pakikipagpulong nila Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo at Defense Officer-in-Charge, Senior Usec. Carlito Galvez Jr., sa mga opisyal ng Amerika sa pangunguna ni US Defense Sec. Lloyd Austin.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin, ang pagpapalitan ng mga kaalaman at kooperasyon ng Pilipinas at Amerika ay dapat maging kaaya-aya sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Giit pa ng China, hindi dapat makialam ang US-Philippines military cooperation sa nagpapatuloy na sigalot sa South China Sea.

Dapat din anilang maging maingat ang 2 puwersa upang hindi maka-apekto sa soberenya, maritime rights at interes sa seguridad. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author