Walang basehan ang alegasyon ng Pilipinas na China ang responsable sa pagkasira ng mga coral sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning, na kung talagang pinahahalagahan ng Pilipinas ang kalikasan ay dapat alisin nito ang kinakalawang na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, sa lalong madaling panahon.
Hinimok rin ni Mao ang Pilipinas na itigil na ang paglikha ng political drama mula aniya sa kathang-isip.
Reaksyon ito ng Chinese official sa pahayag ni Solicitor General Menardo Guevarra na ikinu-konsidera nitong magsampa ng panibagong kaso laban sa China sa permanent Court of Arbitration kaugnay ng pagkasira ng corals sa West Philippine Sea. —sa panulat ni Lea Soriano