Iniulat ng Philippine Coast Guard na ang China mismo ang nag-alis ng mga natirang floating barrier na pinutol ng PCG personnel sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, Spokerson ng PCG on the West Philippine Sea, na walang standoff o signs of aggression mula sa Chinese Coast Guard nang alisin ng Pilipinas ang inilagay nilang floating barrier.
Kahapon ay nagsagawa ang PCG ng “special operation” para putulin ang 300 metrong boya na inilatag ng China sa shoal.
Inihayag ni Tarriela na nagpanggap na regular na mga mangingisda ang PCG personnel lulan ng maliit na bangka saka pinutol ang barrier at kinuha ang angkla.
Apat na Chinese coastguard vessels aniya ang nasa lugar at hindi naman naging agresibo makaraang makita na may sakay na media ang philippine ship.
Kinuha ng mga tsino ang natirang barrier makalipas ang ilang oras matapos madiskubre na hindi na ito nakalinya at nakaharang sa shoal. —sa panulat ni Lea Soriano