Handa ang China na ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa Pilipinas kaugnay ng kanilang maritime dispute sa South China Sea, ayon sa Chinese Embassy sa Manila.
Ito’y matapos harangin ng Chinese vessels at binomba pa ng tubig ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea kamakailan, na umani ng pagkondena mula sa mga kaalyadong bansa sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sinabi ng embahada na nananatiling committed ang China sa pagpapanatili ng peace and stability sa South China Sea.
Idinagdag ng Chinese Embassy na handa silang harapin ang maritime issues kasama ang Pilipinas sa pamamagitan ng dayalogo at konsultasyon at umaasa silang masisimulan ito sa lalong madaling panahon. —sa panulat ni Lea Soriano