Magsasagawa ang China at Saudi Arabia ng kanilang ikalawang joint naval drills sa susunod na buwan.
Ayon sa Beijing, ang drills na tinawag na “Blue Sword 2023” ay gaganapin sa Southern Province ng China na Guangdong, sa Oktubre.
Sinabi ni Defense Ministry Spokesperson Wu Qian, na sentro ng joint training ang overseas maritime counter-terrorism operations, pagsasagawa ng exercises sa sniper tactics, boat driving, helicopter landing, at joint rescue.
Sinabi naman ng Saudi Press Agency na unang nagsagawa ang dalawang bansa ng joint navy drills noong 2019. —sa panulat ni Lea Soriano