Nagsagawa ng Courtesy Visit ang kataas-taasang hukuman sa Hall of Justice at sa Bulacan State University, sa Bayan ng Malolos Bulacan, para sa dayalogo kasama ang una at ikalawang antas na mga hukom at empleyado nito.
Pinangunahan ng Punong Mahistrado Alexander G. Gesmundo, kasama sina Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, Associate Justice Jose Midas P. Marquez, Associate Justice Maria Filomena D. Singh, at si Court Administrator Raul B. Villanueva miyembro ng Plantilla Committee at chairperson ng Technical Working Group.
Dito binigyang diin ng Korte Suprema ang panawagan nito para sa mga hukom at tauhan ng mababang hukuman na magbigay ng kanilang buong suporta sa Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 (SPJI).
Ani Chief Justice Gesmundo, “Ang tagumpay at kabiguan ng SPJI ay higit na nakasalalay sa suporta ng mga hukom sa bansa,” kasabay ng pagbibigay diin sa kahalagahan ng pag-angkop sa teknolohiya na naka sentro sa SPJI ng digitalization Judiciary.
Anya ng Punong Mahistrado, Bilang frontliners, ang repleksyon ng Hudikatura,” ay bumubuo sa base ng pyramid, na siyang pundasyon ng istruktura ng Hudikatura.
Giit pa ng Chief Justice “Kung mahina ang base, asahan na ang pagbagsak ng mga nasa upper level.
Tiniyak ni Justice Hernando, Tagapangulo ng Plantilla Committee ng Korte, na “walang displacement ang gagawing Hudikatura” habang sumusulong ang Hudikatura sa pagpapatupad ng SPJI, kung saan isinasaalang-alang ang paggamit ng artificial intelligence.
Natalakay din ang pag-upgrade ng ilang salary grade items alinsunod sa Civil Service Rules, kabilang ang kasalukuyang status ng Office of the Judiciary Marshal.
Anya ni Justice Singh Ang SPJI ay naka-angkla sa apat na gabay na prinsipyo—Napapanahon at Makatarungang Katarungan, Transparent at Accountable Justice, Equal and Inclusive Justice, at Technologically Adaptive Management – three outcomes. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News