dzme1530.ph

Chia seeds, mainam na pampababa ng blood sugar

Madalas na kino-konsumo ng mga nagdi-diyeta ang Chia seeds dahil nakatutulong ito upang mabawasan ang appetite ng isang indibidwal.

Ngunit alam niyo ba na nakapagpapababa ito ng blood sugar?

Ayon sa Diabetic-connect.com, mayaman ang chia seeds sa fiber na nakapag-pababagal na maging sugar ang carbohydrates habang nagda-digest ang katawan.

Kaya naman, mainam ang pagkonsumo ng chia seeds upang mapanatili ang lebel ng blood sugar.

Taglay ng isang serving nito ang 11 grams ng fiber, ito ay 42% sa fiber na kailangan ng katawan kada araw.

Kaya payo ng eksperto, ihalo ang chia seeds sa inumin, gaya ng tubig at shake o sa kinakain na salad at yogurt. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author