Tutulong ang Commission on Higher Education sa pagpapa-aral sa mga anak at dependents ng mga Pilipinong apektado ng digmaan sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.
Ayon sa CHED, nakikipag-ugnayan na sila sa Dep’t of Migrant Workers upang makausap ang mga pamilya ng apat na Pilipinong kumpirmadong nasawi sa Israel.
Ang kanilang mga anak at dependents na nasa kolehiyo ay aalukin ng edukasyon sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education, at bibigyan din sila ng Tertiary Education Subsidy.
Samantala, tinutukoy na rin ang eksaktong bilang ng College dependents ng mga ni-repatriate na Pinoy, upang mapaabutan sila ng tulong sa pamamagitan ng CHED Regional Offices. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News