Hindi maaaring tawagin na People’s Initiative ang isinusulong na charter change kung totoo na may binayaran o may naganap na suhulan para sa pangangalap ng mga lagda.
Ito ang iginiit ni Senate minority leader Koko Pimentel kasabay ng panawagan na imbestigahan ang napabalitang suhulan sa ilang distrito at siyudad upang maisulong ang petisyon para sa Chacha.
Nagbabala si Pimentel na pansariling interes lamang ng mga nagpopondo ang posibleng mangibabaw sa Chacha kung totoong may suhulan.
Base sa impormasyon, iniaalok sa ilang distrito o siyudad ang AICS program ng DSWD, TUPAD ng Department of Labor and Employment at Medical Asistance for Indigent Patients ng Department of Health kapalit ng pagprodyus ng maraming pirma para sa people’s Initiative.
Nanawagan si Pimentel na imbestigahan ito at kinalampag ang PNP, NBI, DILG, Kongreso at maging mga NGOs para matukoy ang katotohanan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News