dzme1530.ph

Cessna plane na patungong Tuguegarao Airport, nawawala pa rin

Naniniwala ang mga otoridad na napilitang mag-emergency landing o nag-crash malapit sa mga lalawigan ng Apayao, Abra, o Kalinga ang isang Cessna plane na iniulat na nawawala makaraang mag-take off sa Laoag City at bigong makalapag sa Tuguegarao Airport.

Ayon kay Rogelio Sending Jr., Cagayan Provincial Information Officer, lulan ng nawawalang eroplano ang piloto na si Capt. Edzel John Tabuzo at student pilot na Indian national na si Anshum Konde.

Wala pang inilalabas na pahayag ang may-ari ng Cessna plane na Echo Air International Aviation Academy Inc. hinggil sa insidente. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author